Upuan
Para kay Randall Echanis
Malalim ang gabi habang
Nilalamig ang katawan
Nahihilo sa kawalan
Ng boses, ng karapatan
Mga halimaw na walang
Kaluluwa’t halang
Ang pinaupo’t tinali ka ng
Walang kalaban-laban
Ang mahina mong katawan
Walang habas na sinaksak
Dagdag sa agos ng dugo
Ng libu-libong kinitil
Mga walang kalaban-laban
Ang pinapatay ng nasa pamunuan.
Marahas ang naghahari-harian
Komportable sa kanilang upuan
Hindi katulad mo at nga mga pesante
Sandaang taong pinagkaitan ng karapatan
Makatarungan ang lumaban
Para sa kapayapaan, para sa pantay na lipunan.
*Tula at guhit ni Justin Madriaga, tagapagsalita ng Anakbayan Panay.