Panahon
Kay taba ng lupa
binubungkal ng
dayong nagmimina…
inaabunuhan ng pulbura–tinatamnan ng bomba–sakahan ay linilinas ng bota ng mga berdugo ng pasista–ginawang larangan ng kunwa’y pagsasanay militar–imperyalistang
panunulsol sa digma…
at habang pinggan
ay kumakalatog
ng karalitaan…
sikmura ay asidong kumukulo sa kagutuman…
bansa ay soberanyang
isinusubasta sa dayuhan…
binusabos ang kalayaan…
tara na…!
pagkat tayo ay mamamayang
may puri
at kasarinlan…
digma natin ay sigwa
ng pagkapantay, kapayapaan ay
sukat ng katarungan!
Kay taba ng lupa…
hinog ang panahon.