Kami ba ay banta sa ganid mong kapangyarihan?
Na sa aming paglaki kami ay…
mamulat sa marahas mong pagpapatakbo ng bayang
pinaiinog mo sa kataksilan, pandarambong at pagpapakunulo?Takot ka bang sa aming paglaki…
mauunawan namin ang mga sigaw na nakasulat sa pader
na iminamartsa sa mga lansangan—taas kamaong ipinaglalaban…kawalan sa aming mga tahanan…
tanggalan sa paggawaan…
pangangamkam sa sakahan…
demolisyon sa lunan ng mga maralita…
kaliwa’t kanan mong pamamaslang…mayaman ang bansa ngunit karamihan ay dalita?
kung bakit kaming mga isinalinlahing
nasa murang taon ng pagsibol…ipinauyayi mo sa balang iniratrat
ng berdugo’t bayaran mong mga kawal!Kami ba ay banta…?
at balisa kang sa aming paglaki’y…
kami naman ang susulat sa pader
at mamuno sa pag-aaklas…sa paaralan…
sa pagawaan…
sa kanayunan…at maari ring maging kasapi
ng hindi mo matalo-talong
hukbo ng sandatahan—mga pulang
mandirigma ng bayan?!Kung bakit…?
Kami ay ipinauyayi mo
sa duyan ng hindik sa dahas
ng kay agang
kamatayan.
Written and painted by George Calaor, former Bayan Aklan provincial coordinator./www.panaytoday.net